^

Lim dadaan sa butas ng karayom para makuha ang Olympic tiket

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos angkinin ang gold medal sa 2019 Southeast Asian Games noong Disyembre ay target naman ni Filipina karateka Jamie Lim ang tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Ngunit hindi niya ito basta-basta makakamit.

Sa Olympic qualifying tournament na gagawin sa Paris sa Hunyo ng susunod na taon ay tatlong silya lamang ang pag-aagawan.

Dahil dito ay kailangang manalo ang 22-anyos na si Lim sa preliminary rounds para makapasok sa isa pang round robin format kung saan ang top three karatekas ang makakakuha ng silya sa 2021 Tokyo Olympics.

“This is a long process for me, and I’m making the most of my time during this pandemic,” sabi ng anak ni PBA legend Samboy Lim sa Philippine Sports Commission (PSC) Hour.

Inangkin ni Lim ang gintong medalya sa women’s +61kg kumite ng karate competition ng 2019 SEA Games.

“My upcoming qualifier next June will be my last and only shot for the Olympics, and I’m really setting my sights on it,” wika ng summa cum laude ng University of the Philippines.

Sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang tanging mga Pinoy athletes na nakapitas ng Olympic spot.

May 82 pang Pinoy athletes na tumatarget ng tiket sa 2021 Tokyo Olympics.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with