Celtics humirit pa sa heat
Napaigtad na lang si Heat’s Bam Adebayo nang mailusot ni Celtics star Jayson Tatum ang kanyang tira sa Game 5 ng East Finals.
STAR/ File
Celtics humirit pa sa heat
(Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

Naudlot pa!

LAKE BUENA VISTA, Florida  Mula sa malam­yang first half ay nag-init si big guard Jayson Tatum at ang Boston Celtics sa second half para idiskaril ang pag-entra ng Miami Heat sa NBA Finals.

Naglista si Tatum ng 31 points at 10 rebounds  at may 28 markers si Jaylen Brown para banderahan ang Celtics sa 121-108 pagpapatumba sa Heat sa Game Five ng kanilang Eastern Conference finals series kahapon.

Idinikit ng Boston sa 2-3 ang kanilang serye ng Miami.

Sa kabila ng kabiguan ay may tsansa pa rin ang Heat na itiklop ang serye laban sa Celtics sa Game Six bukas.

Umiskor si Tatum ng 17 points sa third quarter para ibangon ang Celtics mula sa 12-point deficit sa first half at angkinin ang 14-point lead sa Heat papunta sa fourth period.

“In all sincerity, first time I’ve seen Celtics basketball in the last few games,” wika ni Boston head coach Brad Stevens matapos ang isang time-out.

Humataw ang tropa ni Stevens ng 41 points sa kabuuan ng third quarter kumpara sa 25 ng M­iami ni Fil-Am coach Erik S­poelstra.

Humakot si center D­aniel Theis ng 15 points at 13 rebounds para sa Celtics at may 15, 12 at 10 markers sina Kemba Walker, Marcus Smart at Gordon Hayward, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni guard Goran Dragic ang Heat sa kanyang 23 points habang may 20 markers si Duncan Robinson.

Tumapos si Jimmy Butler na may 17 points at may 14 si Tyler Herro para sa Heat.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with