Morrison, Alcantara pinatawad ng PTA sa paglabag sa national team protocols

MANILA, Philippines — Sumalang sina national taekwondo jins Samuel Morrison at Arven Alcantara sa online training seminar na inorganisa ng isang Olympian at dating national team mainstay.

Hindi sila nagpaalam sa Philippine Taekwondo Association na labag sa national team protocols.

Sumulat na sina Morrison at Alcantara kay Sung Chon Hong ng PTA para humingi ng tawad dahil sa kanilang pagkakamali kasama ang isang courtesy resignation.

“Master Hong said he is not accepting and forgave them with a plea not to do it again,” wika kahapon ni PTA secretary-general Rocky Samson.

Ayon kay Samson, pinaniwala sina Morrison at Alcantara na gagawa lamang ng meet-and-greet at hindi sasali sa nasabing online training seminar.

“They felt really wronged they were being given money, which is mortal sin in the national team. They returned the money,” ani Samson.

Sina Morrison at Alcantara, sumipa ng gold at silver medal, ayon sa pagkakasunod, noong 2019 Southeast Asian Games, ang inaasahang makakasikwat ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Ang iba pa ay sina Pauline Lopez, Kurt Bryan Barbosa at 2016 Rio Olympics veteran Kirstie Alora. (JV)

 

Show comments