PLDT gustong makabangon vs F2

Sasagupain ng All-Filipino champion Cargo Mo­vers ang PLDT sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng pagtatagpo ng Cignal HD at Generika-Ayala sa alas-3 ng hapon.
PSL FB Page

MANILA, Philippines — Uumpisahan ng pabo­ritong F2 Logistics ang kanilang kampanya sa pagharap kontra sa PLDT Home Fibr ngayon sa pagpapatuloy ng 2020 Philippine Superliga Grand Prix sa Strike Gym sa Bacoor City, Cavite.

Sasagupain ng All-Filipino champion Cargo Mo­vers ang PLDT sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng pagtatagpo ng Cignal HD at Generika-Ayala sa alas-3 ng hapon.

Sa iba pang laro, susubukan naman ng Marinerang Pilipina ang baguhang Chery Tiggo sa alas-7 ng gabi.

Ang Cargo Movers na huling nag-kampeon sa Grand Prix noong 2017, ay pangungunahan ng dating best import na si Lindsay Stalzer at mga locals na sina Fil-Am Kalei Mau, Aby Maraño, Kianna Dy, Kim Fajardo, Dawn Macandili at Majoy Baron.

“Kalei (Mau) is a super good addition to the team. I love having her around. She brings a lot of energy and enthusiasm and po­wer to the practices and of course, she’ll bring it to the game,” sabi ni Stalzer.

Itatapat naman ni PLDT coach Roger Gorayeb sina Jorelle Singh, Alyssa Eroa, Aiko Urdas, Joyce Sta. Rita, Shola Alvarez at Menchie Tubiera sa ha­ngaring ma­kabangon agad mula sa nalasap na talo sa Sta. Lucia Realtors, 24-26, 23-25, 27-29, sa opening noong Sabado.

Show comments