Ang pagdiriwang ng Ginebra Gin Kings.
Kuha ni Jun Mendoza
Ginebra nakatutok sa Philippine Cup
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2020 - 12:00am

Matapos angkinin ang Governor’s Cup

MANILA, Philippines — Huling nagkampeon ang Barangay Ginebra sa PBA Philippine Cup noong 2007 sa ilalim ni dating head coach Jong Uichico.

Ito ngayon ang gustong makopo ng mga Gin Kings matapos angkinin ang ikatlo nilang PBA Governor’s Cup crown sa huling apat na taon.

“Well, we’re certainly going to go for it. You know, we feel we have the tools,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa kanyang Ginebra matapos isara ang kanilang best-of-seven championship series ng Meralco sa 4-1.

Isa sa mga sinasabing ‘tools’ ni Cone ay si Stanley Pringle na nakuha ng Gin Kings mula sa NorthPort Ba­tang Pier kapalit nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer.

Sinabi ng 62-anyos na si Cone, iginiya ang Gi­nebra sa ika-12 korona at nakamit ang kanyang pang-22 titulo bilang coach, na malaki ang maitutulong sa kanila ni Pringle.

“He lifts the whole team be­cause that lifts the crowd and he does a lot more out there than you think - he re­bounds, he defends, he’s good at making steals and he’s a great scorer and pas­ser,” pagpuri ni Cone sa 32-anyos na Fil-American playmaker.

Sa 105-93 pagsibak ng Gin Kings sa Bolts sa Game Five ay tumapos si Pringle na may 17 points, 8 assists, 4 rebounds at 1 steal.

Bibigyan lamang ni Cone ng ilang araw na pa­hinga ang Ginebra bago paghandaan ang 2020 PBA Philippine Cup na di­dribol sa Marso 1 sa Smart Ara­neta Coliseum.

“We are going to have a substantial break so we will be able to kinda recharge our batteries and get keyed up for the All-Filipino,” wika ni Cone.

Target ng San Miguel ang kanilang record na ika­anim na sunod na korona ng Philippine Cup.

Samantala, inialay nina Cone at San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua ang tagumpay ng Gin Kings kay SMC president at Chief Executive Officer (CEO) Ramon S. Ang at sa kanyang anak na si Jomar, nasa ospital.

“Boss RSA, he put this team together. I just get to coach them,” ani Cone. “But he deserves all the cre­­dit and he knows everything that’s going on.”

 

BARANGAY GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with