^

PSN Palaro

Milyong insentibo nakaabang sa team Sibol

Chris Co - Associated Press
Milyong insentibo nakaabang sa team Sibol
Ang miyembro ng Team Sibol na nanalo ng tatlong gintong medalya, isang pilak at isang tanso sa debut ng esports event sa 30th SEA Games na nagtapos nitong Miyerkules. (Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Inihahanda na ang mil­yong insentibo para sa mga nagkamit ng gintong medalya sa esports sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa The Arena sa San Juan City.

Nagpasiklab ang Team Sibol sa debut ng esports sa SEA Games kung saan humakot ito ng tatlong ginto, isang pilak at isang tanso para tanghaling overall champion.

Maliban sa insentibong magmumula sa gobyerno na P300,000 (Republic Act) at P250,000 (dagdag mula kay Pangulong Rodrigo Duterte) para sa mga gold medalist, nagdagdag ang Smart/PLDT ng pabuya bago pa man magsimula ang SEA Games.

Una nang inihayag ng Smart/PLDT na magkakamit ng P1 milyon ang gold medalist sa individual event at P2 milyon naman sa team event.

Unang umariba ang Sibol sa Mobile Legend: Bang Bang (MLBB) at Dota 2 matapos gapiin ang kanilang world-class opponents sa gold-medal match.

Nagsanib-puwersa sina Kenneth Villa, Jeniel B­­ata-anon, Carlito Ribo, Jason Torculas, Angelo Arcangel, Karl Nepomuceno at Allan Castromayor sa pagtarak ng 3-2 come-from-behind win laban sa world cham­pion Indonesia sa five-game finals series ng MLBB.

Muling umariba ang Pinoy gamers sa Dota 2 team sa likod nina James Erice Guerra, Van Jerico Manalaysay, John Anthony Vargas, Bryle Jacob Alvizo at Marvin Salvador Rushton nang kunin ng tropa ang isa pang 3-2 gitgitang panalo laban sa Thailand sa best-of-five showdown.

Magarbong tinapos ng Sibol ang kampanya nito nang kunin ni Caviar Napoleon Acampado ang ikatlong ginto ng Pilipinas sa bendisyon ng 4-1 demolisyon kay Singaporean Thomas Maria Kpankiewicz sa finals ng Starcraft II event.

Nakapilak naman si Alexandre Gabrielle Laverez (Tekken 7) at tanso si Andreij Hosea Albar (Tekken 7).

“We are happy that we were able to contribute to Team Philippines,” ani Starcraft II coach Jess Tamboboy.

Nagpasalamat ang Sibol sa mga sumuporta sa tropa partikular na kay businessman Manny V. Pangilinan at sa Smart/PLDT.

vuukle comment

SEA GAMES

SIBOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with