Pinoy bowlers puntirya ang ginto

MANILA, Philippines — Nangako ang mga national bowlers na magpa­pagulong ng gintong medalya sa kanilang pagsabak sa 30th Southeast Asian Games na pormal na magsisimula bukas sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Dalawa hanggang tatlong gold medals ang tinatarget ng Philippine Bowling Federation (PBF) sa nasabing biennial event na nakatakda sa Disyemre 3-8 sa Coronado Lanes sa loob ng Starmall ng Mandaluyong City, ayon kay secretary general Bong Coo.

Bibida sa kampanya ng national bowling team sina veterans Liza del Rosario at Frederick Ong kasama si Merwin Tan.

“We’re not promising anything, but we will surely give other teams a very good fight,” sabi n Coo sa koponan na sumailalim sa intensibong pagsasanay sa ibang bansa mula sa suporta ng Philippine Sports Commission at PBF na pinamumunuan nina chairman Sen. Tito Sotto at president Steve Robles.

Kumpiyansa si Coo, isang legendary bowler na nanalo ng anim na gold medals noong 1981 Manila SEA Games, na mananalo sa kanilang mga events sina Del Rosario at Ong na huling player na nagwagi ng gold medal sa SEA Games noong 2011 sa Indonesia.

Ang 19-anyos na si Tan ang Asian youth champion at inaasahang makikipagsabayan sa mga keglers ng Singapore at Malaysia.

Ang iba pang miyembro ng national squad ay sina Patrick Nuqui, Kenneth Chua, Lara Posadas-Wong, Alexis Sy at Bea Hernandez.

Show comments