FIM Asia Supercross lalarga ngayon sa Speedworld
(Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hahataw ngayon ang maaksyong FIM Asia Super­cross Championship sa Speedworld Circuit sa SM Bicutan Open Grounds, Doña Soledad  Avenue, Bicutan, Parañaque City.

Pamumunuan ni defending champion Takase Tanaka ng Japan ang mga pinakamagagaling na riders sa Asya sa nasabing kompetisyon na tatagal hanggang Linggo.

Ilan sa mga makakasukatan ni Tanaka sina Guam motocross great Sean Lipanovich, Thanarat Penjan ng Thailand, mga wildcard riders mula sa Russia at ang reigning Rider of the Year ng Pilipinas na si Kenneth San Andres sa motocross spectacle na suportado ng Foilacar, Karcher, Monark Cat, Shell Advance, Shell V-Power, SM Bicutan, ICTSI, Maynilad, Asia Brewery, KYT, Alpinestar, Partas Bus, YSS, Shakey’s and 4 BROS Racing.

Ang naturang taunang motocross series ay inor­ganisa ng National Motorcycle Sports and Safety Association, ang tanging governing motocross body sa Pilipinas nasa ilalim ng Philippine Olympic Committee, FIM Asia at ng Federation Internationale de Motocyclisme of Suisse.

Ito ay pinamumunuan ni Stephan Macky Carapiet, ang pangulo ng FIM Asia.

Magkakaroon din ng FIM Asia Officials License Seminar para sa mga opisyales ngayon kasabay ng FIM Asia Supercross Advance Riding Academy.

SEAN LIPANOVICH THANARAT PENJAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with