^

PSN Palaro

Aranas hari ng 10-Ball

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling humataw si veteran international campaigner Zoren James Aranas nang pagharian nito ang 2019 Star City 10-Ball Championship na ginanap sa Wolf’s Den Billiards sa Roanoke, Virginia sa Amerika.

Nakumpleto ni Aranas ang matamis na sweep upang makuha ang korona.

Subalit kinailangan muna ni Aranas na magbanat ng buto laban kay BJ Ussery ng Amerika sa finals bago kubrahin ang pahirapang 13-12 dikit na panalo.

Sa katunayan, nagawang iselyo ni Aranas ang 8-5 kalamangan ngunit rumesbak si Ussery nang pasabugin nito ang 7-0 run para maagaw ang kalamangan sa 12-8.

Pero iyon na lamang ang nakayanan nito makaraang ma-dry ito sa sumunod na rack na siya namang sinamantala ni Aranas para hablutin ang sunud-sunod na racks at makuha ang panalo.

Ito ang ikalimang titulo ni Aranas at ikalawang pinakamalaking premyo na naibulsa nito sa taong ito.

vuukle comment

ZOREN JAMES ARANAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with