Greenies kinumpleto ang semis
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Muling nilampaso ng College of St. Benilde-LSGH Greenies ang Arellano Braves, 66-52 para masungkit ang huling semifinal berth kahapon sa kanilang knockout playoff sa Season 95 NCAA Juniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Umiskor ang rookie na si Jan Manansala ng 13 puntos, walong rebounds at dalawang blocks para muling iangat ang Greenies sa Final Four.

Haharapin ng Greenies ang top seed San Beda Red Cubs sa unang semis match sa alas-10 ng umaga sa Nobyembre 5 sa Cuneta Astrodome kung saan tangan ng Mendiola-based-cagers ang twice-to-beat bentahe.

Magtatagpo naman ang second seed Lyceum Junior Pirates at pumapangatlong San Sebastian Stagles sa ibang semis match sa ala-1 ng hapon.

Hawak naman ng Junior Pirates ang ikalawang twice-to-beat advantage.

Sa ibang laro, kinum­pleto ng Red Cubs ang kanilang elimination round assignments nang mu­ling igupo ang  EAC Brigadiers, 73-64.

 

ARELLANO BRAVES COLLEGE OF ST. BENILDE-LSGH GREENIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with