^

PSN Palaro

Piling NBA games libreng mapapanood sa Pilipinas sa Facebook, Twitter

James Relativo - Philstar.com
Piling NBA games libreng mapapanood sa Pilipinas sa Facebook, Twitter
Kada araw, isang matchup ang mapapanuod nang libre sa Facebook at Twitter sa pagpasok ng unang linggo ng 2019-20 NBA regular season, na sisimulan ng bakbakan ng La Lakers at La Clippers bukas, ika-23 ng Oktubre.
AFP/Getty Images North America/Donald Page

MANILA, Philippines — Basketball fan ka ba at gustong makapanood ng mga laro ng NBA nang libre, on-demand at habang on the go? May good news na inanunsyo para sa inyo ngayong umaga.

Kinumpirma kasi ng NBA Philippines na mapapanood na nang walang bayad online sa kauna-unahang pagkakataon ang umaatikabong aksyon sa hardcourt simula bukas.

"Bagong season, bagong paraan para makapanuod! Panoorin ang NBA action LIVE sa NBA Philippines Facebook at Twitter nang LIBRE," sabi ng NBA Philippine sa Inggles.

Kada araw, isang matchup ang mapapanuod nang libre sa Facebook at Twitter sa pagpasok ng unang linggo ng 2019-20 NBA regular season, na sisimulan ng bakbakan ng La Lakers at La Clippers bukas, ika-23 ng Oktubre.

Libreng makakapanuod ng isang laro araw-araw sa mga nasabing platform hanggang sa ika-29 ng Oktubre.

Matapos ang nasabing time period, makakapanuod pa rin ng isang libreng laro sa FB at Twitter mula Lunes hanggang Huwebes simula ika-31 ng Oktubre.

Narito ang kumpletong listahan ng mga laro sa NBA Tip-Off Week:

Labas sa mga libreng laro, mapapanuod pa rin ang iba pang NBA games live and on-replay sa pamamagitan ng pag-subcribe sa NBA League Pass.

vuukle comment

BASKETBALL

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with