Pinoy fighters kayang makipagsabayan vs Chinese

MANILA, Philippines — Kayang makipagsabayan ng mga Pinoy fighters sa pinakabagong contact sports na ilulunsad sa bansa sa Oktubre 23.

Ito ang paniniwala ni Maynard Marinas, ang Philippine promoter ng Wu Lin Feng Global Fighting Championship na isang China-based professional kickboxing federation.

“We Filipinos are true fighters, wala tayong sinusukuan. Kahit anong sports iyan,” ani Marinas kahapon. “Kahit sino ang makalaban, laban tayo para sa pamilya at sa bayan.”

Bumisita si Maynard sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Community Basketball Association (CBA) kasama ang kanyang Chinese counterpart na si Soong at mga local fighters na sina Mark Alcoba at Dindo Comansa.

Sasabak sina Alcoba at Comansa kontra sa mga Chinese fighters. Sa kasalukuyan, ang kickboxing ay may 35 bansang kasapi.

Ang inisyal na fight promotion ng Wu Lin ay may basbas ng Games ang Amusemennt Board (GAB) at gaganapin sa The Cove sa Okada sa Parañaque City.

“We’re inviting the public to watch the fight and rally behind our homegrown fighters,” wika ni Maynard.

Show comments