Tim Cone
PBA Images
Gilas coaching ni Cone aprub sa SMC
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyan ng go signal ng San Miguel Corporation management si Tim Cone upang hawakan ang Gilas Pilipinas partikular na ang nakatakdang pagsabak sa 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Pilipinas.

Mismong si SMC sports director Alfrancis Chua ang nagkumpirma ng desisyon dahil suportado ng management ang kampanya ng Pilipinas sa mga international competitions.

Si Cone ang kasalukuyang head coach ng Barangay Ginebra sa PBA.

Numero unong kandidato si Cone dahil sa kanyang malalim na karanasan hindi lamang sa local coaching maging sa international scene.

May 21 titulo ito sa liga tampok ang dalawang Grand Slam kasama ang Alaska at ang San Mig Coffee sa magkaibang dekada.

Dinala rin ni Cone sa bronze-medal finish ang Centennial Team noong 1998 Asian Games sa Bangkok, Thailand habang nagkampeon ang parehong koponan sa 1998 edisyon ng William Jones Cup sa Taipei, Taiwan.

Nakatakdang makipag-usap si Cone sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ngayong araw upang plantsahin ang mga kailangang gawin.

Inaasahang tatanggapin ni Cone ang alok ng SBP na hawakan ang Gilas Pilipinas.

Sa ngayon, nakasentro muna ang atensiyon ni Cone sa kampanya ng Gin Kings sa PBA Governors’ Cup.

Naghahanap ng ba­gong head coach ang SBP nang magbitiw sa puwesto si dating Gilas Pilipinas mentor Yeng Guiao matapos ang masaklap na kampanya ng Pilipinas sa katatapos na 2019 FIBA World Cup sa China.

Walang naipanalo ang Pilipinas sa lahat ng limang laro nito - tatlo sa group stage at dalawa sa classification round.

TIM CONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with