^

PSN Palaro

St. Clare, Enderun at PMMS wala pa ring talo sa NAASCU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napanatili ng nagde­de­pensang St. Clare College-Caloocan, Enderun Colleges at Philippine Merchant Marine School ang kani-kanilang imakuladang baraha makaraang manaig sa kani-kanilang karibal sa pagpapatuloy ng 19th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa RISE Tower ng Our Lady of Fatima University sa Valenzuela City noong Biyernes. 

Giniba ng Saints ang AMA University,126-88 para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Sumandig ang Saints sa tikas ni Mohamed Pare na kumana ng 31 puntos at 28 rebounds, nag-ambag din si John Edcel Rojas na may 20 puntos sa kanyang unang laro bilang isang Saints.

Samantala, nagpamalas ng matikas na laro sa harap kanyang mga kababayan sa Valenzuela si Michael dela Cruz upang itulak ang Enderun sa kanilang ikatlong sunod na tagumpay sa De La Salle Araneta University, 100-76.

Sa iba pang laro, umeskapo ang PMMS sa New Era University, 84-79 habang nanaig naman ang Our Lady of Fatima University sa Manuel L. Quezon University, 100-69.

Bumandera sa OLFU si Nikko Panganiban na may 19 puntos at 10 rebounds.

vuukle comment

NAASCU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with