BanKo, PetroGazz patatagan sa No. 2

Magtatagpo ang Perlas Spikers at Gazz Angels sa alas-6 ng gabi matapos ang engkuwentro ng Choco Mucho at Motolite sa alas-2 ng hapon at ng PacificTown-Army at Philippine Air Force sa alas-4.

MANILA, Philippines — Paglalabanan ng BanKo Perlas at Reinforced Conference champion PetroGazz ang solong No. 2 spot sa kanilang pagtatagpo ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Magtatagpo ang Perlas Spikers at Gazz Angels sa alas-6 ng gabi matapos ang engkuwentro ng Choco Mucho at Motolite sa alas-2 ng hapon at ng PacificTown-Army at Philippine Air Force sa alas-4.

Magkasosyo sa ikalawang puwesto ang BanKo Perlas at Reinforced Conference champion PetroGazz hawak ang magkatulad na 5-2 baraha habang nangu-nguna ang nagdedepensang Creamline na matikas na winalis ang first round ng eliminasyon bitbit ang maning-ning na 8-0 marka.

Nais ng Perlas Spikers na magarbong tapusin ang first round kaya’t inaasahang maglalabas ito ng malakas na puwersa sa pangunguna ni outside hitter Nicole Tiamzon.

Babanat din si middle blocker Kat Bersola kasama sina Sue Roces, Dzi Gervacio at playmaker Jem Ferrer para makuha ang ikaanim na panalo.

Galing naman ang Gazz Angels sa impresibong three-set win sa Power Builders kaya’t mataas ang moral nitong harapin ang Perlas Spikers.

Hahataw para sa PetroGazz sina Paneng Mercado, Jonah Sabete, at middle blockers Cherry Rose Nunag at Jeanette Panaga katuwang sina setter Djanel Cheng at libero Cienne Cruz.

Show comments