Baste gustong sumosyo sa Beda

MANILA, Philippines — Asam ng San Sebastian Stags na mapanatili ang malinis na kartada kontra sa Lyceum Pirates sa Sea­son 95 NCAA men’s bas­ketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Stags ang Pirates ngayong alas-2 ng hapon matapos ang pag­tatagpo ng Perpetual Help Altas at Jose Rizal Hea­vy Bombers sa alas-12 ng tanghali.

Target naman ng Letran Knights ang ikaapat na pa­nalo laban sa Emilio Agui­naldo Generals sa alas-4 ng hapon.

Kung magwawagi ang Stags laban sa Pirates, hawak ang 2-1 marka, ay muling aakyat ang tropa ni coach Egay Makaraya sa liderato kasosyo ang three-peat champion San Be­da Red Lions na tangan ang malinis na 3-0 record.

Pinataob ng San Se­bas­tian ang Mapua, 92-68, at inilampaso rin ng Lyce­um ang Mapua, 79-71.

Muling sasandal ang Stags kina RK Ilagan, Allyn Bulanadi, Alex Desoyo, Neil Villapando, Michael Calma at John Capobres ka­­tapat sina Jaycee at Jay­vee Marcelino kasama sina Ralph Tansingco, Reymar Ca­duyac. Jeff Santos at Jay­son David ng Pirates.

Show comments