Imbes na pagtuunan ito ng pansin, nakatutok na lamang si Pacquiao sa second phase ng training camp nito sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California kasama si Hall of Famer Freddie Roach.
Si God na ang bahala sa ‘kin!--Pacquiao
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinedma na lang ni reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion Manny Pacquiao ang mga “brain damage” statement ni Top Rank Promotions Bob Arum.

Imbes na pagtuunan ito ng pansin, nakatutok na lamang si Pacquiao sa second phase ng training camp nito sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California kasama si Hall of Famer Freddie Roach.

Mas nais ni Pacquiao na isentro ang atensiyon nito sa ensayo.

“Focus lang sa training dahil mas matindi ang trai­ning na pagdaraanan ko. Mas maraming rounds ng sparring and mitts. Good thing rin na makakapag-acclimatize ako,” ani Pacquiao.

Inihayag ni Arum na nangangamba ito sa posi­bilidad na magtamo ng brain injury ang 40-anyos na si Pacquiao sa pagharap nito kay undefeated American fighter Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Arum na habang tumatanda ang isang tao, mas numinipis ang bungo nito dahilan upang mas maging prone ang isang boksingero sa anumang brain damage.

Ngunit ipinagkibit-ba­likat lang ito ni Pacquiao.

Naniniwala ang Pinoy champion na nakaagapay sa kanya ang Diyos sa tuwing lalaban ito.

“God is good all the time. Nandiyan parati si God para protektahan ako kaya walang dapat ipa­ngamba,” ani Pacquiao.

Nagpasalamat na lang ito sa sinabi ni Arum.

Nakabase rin aniya ang anumang brain injury kung hindi handa ang isang boksingero sa laban.

Ayon pa kay Pacquiao, kailangan lang ng matin­ding pag-iingat at sapat na paghahanda para maiwasan ito.

“Depende naman yun sa isang boxer kung paano niya pinaghahandaan ang laban at kung paano niya pangalagaan ang sarili niya kahit na 40 years old pa siya or mas matanda,” ani Pacquiao.

Sa katunayan, pinuri ni strength and conditio­ning expert Justin Fortune ang estado ng katawan ni Pacquiao sa kabila ng edad nito.

MANNY PACQUIAO WORLD BOXING ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with