Umiskor si Kevin Durant ng 29 points para banderahan ang Warriors sa 115-109 panalo laban sa Rockets sa Game Two.
AFP
Warriors naka-2 na sa Rockets
(Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California--Dumiretso ang Golden State Warriors sa kanilang ikalawang sunod na panalo para ilista ang 2-0 bentahe sa kanilang Western Conference semifinals series ng Houston Rockets.

Umiskor si Kevin Durant ng 29 points para banderahan ang Warriors sa 115-109 panalo laban sa Rockets sa Game Two.

Tumipa si Klay Thompson ng 21 points at nagsalpak ng magkasunod na three-pointers sa dulo ng third quarter para sa Golden State  habang humakot si forward Draymond Green ng 15 points, 12 rebounds at 7 assists.

Nakatakda ang Game Three sa Sabado sa Houston.

Sa Milwaukee, huma­kot si Giannis Antetokoumpo ng 29 points at 10 rebounds habang nagsalpak si Khris Middleton ng pito sa kabuuang 20 tres ng Bucks para resbakan ang Boston Celtics, 123-102 sa Game Two at itabla sa 1-1 ang kanilang serye.

Naglista si Anteto­koumpo ng 7-for-16 fieldgoal shooting at naglista ng 13-of-18 clip sa foul line para bumawi sa malamya niyang laro sa Game One.

Gagawin ang Game Three sa Biyernes sa Boston.

GOLDEN STATE WARRIORS KEVIN DURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with