Kung matutuloy ito, higit na lalakas ang tsansa ng Pilipinas na umusad sa susunod na yugto ng torneo.
AP, File /FIBA.com
Blatche, Clarkson sa World Cup—Guiao
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na magkasama sina NBA star Jordan Clarkson at natura­lized player Andray Blatche sa oras na sumabak ang pambansang koponan sa 2019 FIBA World Cup na idaraos sa Agosto 30 hanggang Setyembre 15 sa China.

Kung matutuloy ito, higit na lalakas ang tsansa ng Pilipinas na umusad sa susunod na yugto ng torneo.

Kasama ng Pilipinas sa Group D ang Serbia, Angola at Italy kung saan dalawang panalo lamang ang kakailanganin nito para makapasok sa second round ng eliminasyon.

Inaayos na ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas ang mga kailangan upang mapahintulutan si Clarkson na makalaro sa world meet.

Nasilayan na ito sa aksyon noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Ngunit iba ang regulasyong ipinatutupad ng Olympic Council of Asia na siyang humahawak sa Asian Games kumpara sa panuntunan ng FIBA – ang world governing body ng basketball sa mundo.

Optimistiko si Guiao na maaayos ang lahat upang maging bahagi si Clarkson ng Gilas Pilipinas bilang local player.

“If that happens, that will be a highlight in my c­oaching career,” ani Guiao sa PSA Forum sa Ameli Hotel sa Malate.

ANDRAY BLATCHE JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with