Tinapos ng Los Angeles, sibak na sa playoffs, ang kanilang limang sunod na kamalasan.
AP
Lakers hiniya ang Kings
(Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

LOS ANGELES -- Inis­kor ni Kyle Kuzma ang 21 sa kanyang 29 points sa third quarter habang nagtala ng triple-double si LeBron James na 29 points, 11 rebounds at 11 assists para pamunuan ang Lakers sa 111-106 paggupo sa Sacramento Kings.

Tinapos ng Los Angeles, sibak na sa playoffs, ang kanilang limang sunod na kamalasan.

Sa Oakland, kumamada si Stephen Curry ng 26 points at nagdagdag si Klay Thompson ng 24 markers para akayin ang Golden State Warriors sa 121-114 panalo kontra sa Detroit Pistons.

Bumangon ang Warriors mula sa naunang 91-126 pagyukod sa Dallas Mavericks noong Sabado kung saan ipinahinga si Curry.

Nakahugot din ang Golden State (50-23) ng 14 points at 11 assists mula kay Kevin Durant habang naglista si Draymond Green ng 14 points at 8 assists para muling angkinin ang first seed sa Western Conference kasunod ang Denver Nuggets (49-23).

Sa Boston, nagsumite si LaMarcus Aldridge ng 48 points at 13 rebounds para dalhin ang San Antonio Spurs sa 115-96 pananaig sa Celtics.

Ipinalasap ng San Antonio ang pang-apat na sunod na pagkatalo ng Boston.

Ito ang pang-10 panalo ng Spurs sa huli nilang 12 laro para higpitan ang kapit sa Western Conference playoff spot.

KYLE KUZMA LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with