^

PSN Palaro

Red Lioness, Lady Altas nanalasa

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Red Lioness, Lady Altas nanalasa
Na-blocked ni Princess Estanislao ng Perpetual Help Lady Altas ang kill ni Bien Elaine Juanillo ng LPU Lady Pirates sa opening ng NCAA Season 94 Beach Volleyball tournament kahapon.

NCAA women’s beach volleyball

MANILA, Philippines — Inilampaso ng nagde­depensang San Beda Red Lioness ang Arellano Lady Chiefs, 21-13, 21-9 upang agawin ang solo liderato sa women’s division ng 94th NCAA Beach Volleyball tournament kahapon sa SM By The Bay sa Pasay City.

Nagpakitang gilas ang Viray twins na sina Maria Jesiela at Maria Nieza upang iangat ang Red Lioness sa malaking pa­nalo sa pamamagitan ng pagpadapa kina Regine Arocha at Necole Ebuen ng Arellano University.

Ito na ang ikalawang su­nod panalo ng Red Lio­ness matapos ang  kanilang 21-18, 21-14 panalo laban sa Letran. 

At handa nilang sundan pa ito sa pakikipaglaban naman sa Lyceum Lady Pirates habang sinusulat ang istoryang ito.

Ginapi naman nina Deana Estanislao at Dana Persa ng University of Perpetual Help Lady Altas ang koponan ng Lyceum, 21-16, 2-22, 16-14 sa una nilang laro sa torneo.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Emilio Aguinaldo Lady Generals kontra sa Arellano, 22-20, 21-9 habang  kinaldag din ng College of St. Benilde ang Mapua University, 21-13, 21-15 at nasungkit ng Jose Rizal University Lady Bombers ang 21-16, 21-10 panalo laban sa San Sebastian Lady Stags.

vuukle comment

SAN BEDA RED LIONESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with