Pinamunuan ni National University standout John Russell Misal ang ratsada ng Team Joola nang mabilis nitong dispatsahin si Nico Nayre, 11-7, 11-9, 11-9 sa unang laro.
Tropa ni Misal nagparamdam agad
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilampaso ng Team Joola ang University of Santo Tomas-B sa bendisyon ng impresibong 3-0 panalo upang magarbong simulan ang kampanya nito sa men’s open team event ng 9th Flexible Cup International Table Tennis Championships kahapon sa Harrison Plaza Acti­vity Center sa Malate, Manila.

Pinamunuan ni National University standout John Russell Misal ang ratsada ng Team Joola nang mabilis nitong dispatsahin si Nico Nayre, 11-7, 11-9, 11-9 sa unang laro.

“Matagal na kaming naglalaro ni Nico, patas lang kami, medyo napaganda lang ang gising ko,” ani Misal na UAAP Rookie of the Year noong 2013 at MVP noong 2017.

Agad naman itong sinundan ni Chen Lei Xin ng mas agresibong 11-2, 11-4, 11-5 demolisyon laban kay Reymart Mabuang sa ikalawang laro bago makumpleto ng Team Joola ang sweep nang payukuin ni Alexis Bolante si Carl Victorio, 11-6, 11-4, 11-6 sa ikatlong laro.

Kasama rin sa Team Joola sina Jong Ortalla at Charlie Lim na siyang honorary president ng Table Tennis Association for National Development (TATAND).

Nasa Group C ang Team Joola at UST-2 kasama ang Malaysia at Fleet Marine.  

9TH FLEXIBLE CUP INTERNATIONAL TABLE TENNIS CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with