Lady Stags, Lady Knights sumosyo sa liderato

Nasandalan ng Lady Stags ang beteranong sina Nikka Dalisay, Shannai Shane Requierme at Joyce Sta. Rita para sumalo ang kanilang tropa sa liderato kasama ang San Beda University at nagdedepensang Arellano University na parehong may 1-0 marka.

MANILA, Philippines — Dumaan muna sa butas ng karayom ang San Sebastian College-Recoletos bago kunin ang pahirapang 25-12, 25-21, 17-25, 22-25, 15-9  desiyon laban sa Lyceum of the Philippines upang hablutin ang kanilang unang panalo sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nasandalan ng Lady Stags ang beteranong sina Nikka Dalisay, Shannai Shane Requierme at Joyce Sta. Rita para sumalo ang kanilang tropa sa liderato kasama ang San Beda University at nagdedepensang Arellano University na parehong may 1-0 marka.

Naglista si Dalisay ng 21 puntos habang nagdag­dag naman si Requierme ng 19 markers at 12 hits si Sta. Rita.

Nahulog ang Lady Pirates sa 0-1 panimula.

 Mas madali naman ang daang tinahak ng Colegio de San Juan de Letran nang gapiin nito ang Emilio Aguinaldo College sa pamamagitan ng 25-23, 25-21, 25-16 demolisyon para makisosyo sa unahan ng standings.

Sa men’s division, na­naig ang San Sebastian sa Lyceum sa iskor na 25-18, 25-19, 14-25, 25-17.

Sa juniors, may tig-12 sina Velriano Sasis, Yoj  Pabiton at Joshua Rodriguez para dalhin ang Lyceum sa 25-13, 22-25, 25-23, 25-21 panalo laban sa San Sebastian.

Show comments