Navotas durog sa Davao; San Juan wagi rin sa Cebu

MANILA, Philippines — Nilampaso ng Davao Occidental Tigers ang Navotas Clutch, 72-59  habang nagwagi naman ang San Juan Knights kontra sa Cebu City Sharks, 71-62 sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup noong Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Sa kanilang panalo, pinalawak ng Tigers ang kanilang winning streak sa walong laro para manatili sa solo liderato sa kanilang 10-3 win-loss kartada sa Southern Division.

Ginamit ng Tigers ang mahigpit na depensa para limitahan ang Clutch sa 35 porsyento lamang sa field goal shooting at dInomina ang rebound department, 49-36.

Sa iba pang laro, bumalik ang Knights sa winning track makaraan ang dalawang sunod na talo para manatili sa ikatlong puwesto sa 11-3 win-loss slate sa Northern Division sa likuran ng Bataan Risers (11-1) at Manila Stars (11-2).

Samantala, binalewala ng MPBL ang panalo ng Mandaluyong kontra sa Quezon City, 87-76 noong Nov. 8 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City dahil sa paglaro ni Ronjay Buenafe para sa El Tigre na wala sa kanilang original line-up.

Itinakda ni MPBL  Commissioner Kenneth Du­remdes ang muling pag­haharap ng dalawang koponan sa buwan na ito.

Show comments