Elite diniskarga ang Tropang Texters

Tunay na maliksi si Allein Maliksi nang magpasiklab ito tangan ang 28 puntos, siyam na rebounds, isang assist at isang steal para tulungan si import William Henry Walker na may 23 points at 14 boards para sa Elite.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Blackwater ang Talk ‘N Text sa bisa ng 104-98 overtime win upang hablutin ang kanilang buenamanong panalo kagabi sa PBA Season 43 Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tunay na maliksi si Allein Maliksi nang magpasiklab ito tangan ang 28 puntos, siyam na rebounds, isang assist at isang steal para tulungan si import William Henry Walker na may 23 points at 14 boards para sa Elite.

“I actually saw this kind of game from them du­ring our time abroad; it really helped a lot because it helped with our chemistry. It feels so great to win,” ani Elite head coach Bong Ramos.

Nagtala ng sariling double-double si Rabeh Al-Hussaini na bumira ng 13 markers ay 10 boards samantalang nagdagdag si Nard John Pinto ng 12 points.

Nakakuha ang Ka­tropa ng 24 puntos, tatlong rebounds at tatlong assists mula kay Terrence Romeo, 23 puntos at 16 boards ga­ling kay Stacy Davis, at 20 puntos, anim na rebounds at tatlong assists buhat kay Jayson Castro.

Subalit hindi ito sapat para buhatin ang kanilang tropa sa panalo.

Lumasap ng ikalawang kabiguan ang Katropa sa tatlong pagsalang.

“This is God’s will and I’m sorry if I started crying because I really didn’t have any rest. These tears are from happiness. I want to thank the players because they sacrificed a lot,” dagdag ni Ramos. (CCo)

Show comments