^

PSN Palaro

Strikers, Tigers nanalasa sa MPBL

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Strikers, Tigers nanalasa sa MPBL
Ginamit ng Strikers ang kanilang pagka-asintado sa free throw area kung saan umani sila ng pitong puntos sa krusyal stretch ng laro upang masungkit ang pang-apat na panalo sa anim na laro at maki­sosyo sa ikalawang puwesto kasama ang Zamboanga Valientes sa parehong 4-2 kartada sa likuran ng nangungunang Muntinlupa Cagers (4-0).
File photo

Laro Ngayon(San Andres Sports Complex, Malate, Manila)

7 p.m.  Pasay vs Basilan

9 p.m.  Manila vs  Bulacan

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Bacoor Strikers laban sa Laguna Heroes, 91-86 habang ini­lampaso rin ng Davao Occidental Tigers ang Cebu City Sharks, 71-64  sa pagpapatuloy ng  2018  MPBL Datu Cup noong Martes ng gabi sa Strike Gym ng Bacoor City, Cavite.

Ginamit ng Strikers ang kanilang pagka-asintado sa free throw area kung saan umani sila ng pitong puntos sa krusyal stretch ng laro upang masungkit ang pang-apat na panalo sa anim na laro at maki­sosyo sa ikalawang puwesto kasama ang Zamboanga Valientes sa parehong 4-2 kartada sa likuran ng nangungunang Muntinlupa Cagers (4-0).

Tumapos si Gabriel Banal ng 25 puntos, 12 rebounds at anim na assists habang si Mark Montuano ay tumulong ng 20 puntos, siyam na rebounds, dalawang steals at isang assist para sa kanilang ikatlong sunod panalo sa Southern Division.

Nagpasiklab din ng  double-double performance si Leo De Vera sa kanyang 17 puntos at 12 rebounds para sa tropa ni head coach Jonathan Reyes at ibaon ang Laguna sa pang-sampung puwesto sa 2-4 card sa South Division.

Sa iba pang laro, pina­ngunahan ni Mikee Reyez ang Davao Tigersi ni coach Don Dulay sa kanyang 14 puntos,  walong rebounds, tatlong assists at dalawang steals habang sina Bonbon Custodio at Leo Najorda ay tumulong ng tig-13 puntos upang iangat ang koponan sa 3-3 record.

Ang Cebu City Sharks naman ay bumaba sa sosyohan sa pang-12th hanggang 13th puwesto sa Southern Division sa 1-5 card.

vuukle comment

2018 MPBL DATU CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with