^

PSN Palaro

Melo ‘di na kakalas sa Thunder

Pilipino Star Ngayon
Melo �di na kakalas sa Thunder
Nagdesisyon ang 34-anyos na veteran forward na huwag gamitin ang kanyang player option para patuloy na maglaro sa Oklahoma City at tumanggap ng $27.9 million salary sa dara­ting na 2018-19 season.
AP File Photo/Sue Ogrock

OKLAHOMA CITY Hindi  na iiwanan ni Carmelo Anthony ang Thunder para lumahok sa free agency.

Nagdesisyon ang 34-anyos na veteran forward na huwag gamitin ang kanyang player option para patuloy na maglaro sa Oklahoma City at  tumanggap ng $27.9 million salary sa dara­ting na 2018-19 season.

Subalit maaari pa ring humanap ng trade ang Thunder o kaya ay i-buyout ang natitirang kontrata ni Anthony na inireklamo ang kanyang papel sa koponan noong nakaraang season.

Ayon sa report ng ESPN, magkakaroon ang Thunder ng pinakamataas na payroll sa NBA history kung magiging matagum­pay sila sa pagpapapirmang muli kay free agent forward Paul George sa isang max contract.

Sa nakaraang 2017-18 season para sa Oklahoma City ay nagtala si Anthony, nagmula sa New York Knicks, ng average na career-low 16.2 points.

Sa six-game loss ng Thunder sa Utah Jazz sa first round ng Western Conference playoffs ay naglista si Anthony ng average na 11.8 points at naglaro lamang ng 25 at 26 minuto sa Game Five at Six laban sa Jazz.

Ang 2012-13 NBA sco­ring champion at 10-time All-Star ay may career ave­rage na 24.1 points. 

vuukle comment

CARMELO ANTHONY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with