^
Kerr gagamit ng mala-lintang depensa vs James
Andre Iguodala

Kerr gagamit ng mala-lintang depensa vs James

(Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2018 - 12:00am

OAKLAND, Calif. -- Hindi makakalaro si Golden State Warriors forward Andre Iguodala sa Game One ng 2018 NBA Finals.

Ito ay dahil sa kasalukuyang pagrerekober ni Iguodala mula sa isang bone bruise sa kaliwang tuhod na nagpaupo sa kanya sa huling apat na laro ng nakaraang Western Conference finals.

Ang patuloy na pagkawala ni Iguodala sa line-up ay malaking epekto sa depensa ng Warriors laban kay LeBron James ng Cleveland Cavaliers.

Sinabi ni Golden State coach Steve Kerr na ilang players ang kanyang gagamitin para subukang pigilin si James, maglalaro sa kanyang pang-walong sunod na NBA Finals appearance.

“He was MVP of the series in 2015, largely because he took that role on of guarding LeBron. But also because of what he did offensively,” wika ni Kerr kay James. “He's doing a little bit better today. Some encouraging signs, but we have ruled him out for Game One. We've got lots of guys who can take on that job. It's a group effort, anyway guarding LeBron. So, KD, Draymond (Green), Klay (Thompson), Shaun Livingston, they'll all see time on him.”

Sinabi ng Warriors na namamaga pa ang ugat na nakapaligid sa kaliwang tuhod ni Iguodala, na-injured sa Game 3 laban sa Houston Rockets noong Mayo 20.

Ayon kay Kerr, hindi maglalaro si Iguodala hangga't may nararamdaman pa siyang sakit sa kanyang tuhod.

Muling titingnan ang kondisyon ni Iguodala  bago ang Game Two sa Lunes (Manila time).

ANDRE IGUODALA GOLDEN STATE WARRIORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with