^

PSN Palaro

UST kinumpleto ang semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabilis na naapula ng UST ang mainit na resbak ng  Adamson upang kubra­hin ang 25-20, 25-23, 19-25, 23-25, 15-11 panalo para angkinin ang huling sil­ya sa Final Four ng UAAP Season 80 men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Inilabas ni Joshua Umandal ang matatalim na pangil nito matapos magpako ng 21 puntos para dalhin ang Growling Tigers sa semifinals.

Umariba rin si Arnold Bautista na bumanat ng 17 puntos at 13 digs gayundin sina Tyrone Carodan na may 13 puntos, Manuel Medina na may 10 puntos at Jayvee Sumagaysay na nagtala ng apat na hits, tatlong blocks at dalawang aces.

 Pukpukan ang laban na pumabor lamang ng bahagya sa Growling Tigers --57-55 sa attack line, 11-10 sa blocking department at 8-5 sa service area.

Nakakuha pa ng 34 unforced errors ang UST kumpara sa 31 lamang ng Adamson.

Makakalaban ng UST ang top seed National University sa Final Four habang magtitipan naman   sa hiwalay na semis game ang nagdedepensang Ateneo   at No. 2 at twice-to-beat holder  FEU.  (CCo)

ADAMSON

UST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with