^

PSN Palaro

Lady Bulldogs sinagpang ang Tigresses para sa win No. 5

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Bulldogs sinagpang ang Tigresses para sa win No. 5

Pinigil nina Jhoana Maraguinot at Madeleine Madayag ng Ateneo ang spike ni Diana Mae Carlos ng UP. (Kuha ni Joven Cagande)
 

MANILA, Philippines — Napaamo ng National University ang University of Santo Tomas sa bisa ng 25-19, 14-25, 25-19, 28-26 pa­­nalo upang manati­ling ma­linis ang kanilang re­kord sa UAAP Season 80 wo­­men’s volleyball tourna­ment kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Inilatag ni Jasmine Nabor ang kanyang impresibong playmaking decisions nang magtala ng 32 excellent sets kasama ang apat na puntos para pamunuan ang Lady Bulldogs na mai­ko­nekta ang pang-limang sunod na panalo at manati­ling nakakapit sa unahan ng standings.

Nagsilbing matibay na armas ng NU si team cap­tain Jaja Santiago na nagpakawala ng matata­lim na atake kasama ang ilang krusyal na aces sa hu­ling bahagi ng laban, ha­bang maganda ang suportang ibinigay nina Risa Sato, Aiko Urdas at Audrey Paran.

Dalawang panalo na la­mang ang kailangan ng Lady Bulldogs para ma­walis ang first round ng eli­minasyon.

Gumulong ang Tigres­ses sa 2-3 marka sa kabila ng magandang inilaro nina wing spikers Sisi Rondina at Carla Sandoval.

Sa unang laro, tinalo ng Ateneo de Manila University ang University of the Philippines, 25-20, 25-22, 28-26, para sa kanilang ika­apat na sunod na panalo.

Nangibabaw si opposite hitter Jules Samonte na bumanat ng 15 puntos para dalhin ang Lady Eagles sa 4-2 baraha at saluhan ang nagdedepensang De La Salle Lady Spikers (4-2) sa ikalawang puwesto.

Sa men’s division, wagi ang reigning champion Ate­neo sa UP, 25-21, 23-25, 27-25, 25-21, para kapitan nang husto ang No. 2 spot bitbit ang 5-1 marka.

Nanaig din ang NU sa UST, 18-25, 25-21, 25-18, 25-18.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with