^

PSN Palaro

Valdez may magandang iniwang alaala sa Taiwan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maganda ang iniwang alaala ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez sa Taiwan kung saan tunay na tumatak ang ugaling Pinoy na kinagiliwan hindi lamang ng kanyang teammates maging ng mga  Taiwanese na nakapanood sa kanya.

Ilang buwan ding nag­laro si Valdez para sa Attack Line sa Chinese-Taipei Volleyball League at agad itong nagmarka sa isipan ng mga manonood dahil sa kanyang matatalim na atake at bumubulusok na aces.

Subalit higit pa rito, mas minahal ng mga tao ang kanyang magandang pakikisama at pagiging mapagpakumbabang manlalaro.

Mismong ang libero ng Attack Line na si An An ang nagpatunay nito.

Sa instagram post ni An An, nagpasalamat ito kay Valdez sa paglalaro sa Chinese-Taipei Volleyball League.

Pinuri rin nito ang ma­gandang pag-uugali ni Valdez na malaki rin ang naitulong para mapadali at mapaganda ang kanyang laro.

“Thank you for coming to Taiwan to participate in this high-intensity competition with us. Very polite and very friendly when I first saw you. Whether you are on the court or in private, you taught us a lot with your maturity. Thank you very much for helping encourage me when the game is in panic,” ayon sa post.

Umaasa ito na muling magbabalik si Valdez sa Taiwan kung mabibigyan pa ng pagkakataon.

“I hope next time I have this opportunity to stand on stage with you. Six months, said long or short is not short. Thank you for giving me many memories. You still have to keep working in the Philippines. Thank you we will miss you,” aniya.

Nagpasalamat naman si Valdez sa oportunidad na ibinigay ng Attack Line upang makapaglaro sa Taiwan.

Marami aniya siyang na­tutunan na madadala nito sa oras na magbalik-aksiyon para sa Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with