Tabal at Agravante magdedepensa ng korona sa Milo National Finals sa Cebu

MANILA, Philippines — Nakatakdang pakawalan ngayong umaga ang National Finals ng 41st Milo Marathon sa Cebu Normal University sa Cebu City.

Idedepensa ni four-time Milo Marathon Queen Mary Joy Tabal ang kanyang titulo sa harap ng mga kababayan niya at hangad na maging klauna-unahang runner na nagreyna ng limang sunod na taon.

Determinado naman si Milo Marathon King Jeson Agravante na patuloy na maisuot ang kanyang korona sa men’s division.

Ngunit inaasahang pahihirapan siya nina Milo Marathon regulars at veteran runners Eduardo “Vertek” Buenavista at Eric Panique.

Premyong P150,000 ang nakataya sa men’s at women’s 42-kilometer event.

Kung mananalo rin ang Milo National Finals King at Queen sa open category ay tatanggap pa sila ng karagdagang P300,000.

Samantala, isang invisible time barrier ang inilagay sa finish line kung saan ang runner na ba­basag nito ay tatanggap ng P50,000.

Bukod sa premyo at tropeo, ang hihiranging Milo King at Queen ay mabibigyan ng tsansang makalahok sa mga malalaking international marathon events sa 2018.

Show comments