^

PSN Palaro

SEABA tuloy na sa Mayo 12

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumpirmado na ang bakbakan sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Men’s Basketball Championship na gaganapin mula Mayo 12 hanggang 18 sa Smart Araneta Coliseum.

Inanunsiyo ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang naturang petsa sa kanyang Twitter account kung saan puspusan na ang paghahanda para sa pagtataguyod ng SEABA meet na magsisilbing qualifying tournament sa FIBA Asia Cup.

“SEABA now confirmed at  Araneta from May 12-18. Laban Pilipinas. Puso,” ani Reyes.

Nauna nang inihayag na Abril idaraos ang SEABA tournament subalit nagdesisyon ang pamunuan ng regional basketball association na ilipat ito sa Mayo.

Ibabandera ng Pilipinas ang solidong lineup ng Gilas Pilipinas bilang paniniyak dahil nagpalakas ng kani-kanilang lineup ang mga bansang kalahok kabilang na ang Indonesia at Thailand na inaasahang may isasamang natura­lized player.

Pangungunahan nina reigning PBA Most Valua­ble Player June Mar Fajar­do at Asia’s best point guard Jayson Castro ang Gilas Pilipinas.

Kasama rin sina Terrence Romeo, Calvin Abue­va, Japeth Aguilar, Paul Lee, Norbert Torres, LA Revilla, Jonathan Grey, Art dela Cruz, Bradwyn Guinto at Raymond Almazan kasama sina PBA rookies Mac Belo, Matthew Wright, Ed Daquiaog, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Carl Bryan Cruz, Kevin Ferrer, Russel Escoto, Jio Jalalon, Arnold Van Opstal, Von Pessumal at Al Gotladera.

Ngunit inaasahang papangalanan ni Reyes ang 12-man final lineup ilang linggo bago magsimula ang torneo.

Ito ang ikatlong beses na itataguyod ng Pilipinas ang SEABA tournament matapos noong 1998 at 2001 edisyon na parehong ginanap sa Manila.

Hawak ng Pinoy squad ang pinakamaraming tutilo sa liga sa 11 edisyon tangan ang pitong kampeonato na nakuha noong 2015, 2009, 2008, 2007, 2003, 2001 at 1998.

Ang magkakampeon sa SEABA meet ay uusad sa FIBA Asia Cup na gaganapin naman sa Agosto sa Beirut, Lebanon.

vuukle comment

SEABA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with