^

PSN Palaro

Junior Altas ilalaglag ang Braves

READER’S VIEWS - Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Junior Altas ilalaglag ang Braves
Nagbunyi ang tropa ng back-to-back champion Perpetual Help Junior Altas makaraang talunin ang Arellano Braves sa 5-sets sa pagtatapos ng elims sa NCAA Season 92 juniors volleyball. Muling maghaharap ang dalawang koponan ngayon para sa stepladder semifinals.

MANILA, Philippines - Magtutuos ang nagdedepensang University of Perpetual Help System Dalta at Arellano University sa knockout stage ng stepladder semifinals ng NCAA Season 92 juniors volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Junior Altas at Braves sa alas-10 ng umaga kung saan ang magwawagi ang siyang haharap sa Emilio Aguinaldo College na nagtataglay ng twice-to-beat advantage sa ikalawang yugto ng stepladder.

Nagtapos sa ikatlong puwesto ang Junior Altas hawak ang 5-2 baraha habang ang Braves naman ang No. 4 na may 4-3 marka.

Nag-aabang na sa finals ang Lyceum of the Philippines na awtomatikong umusad matapos walisin ang pitong asignatura nito sa eliminasyon. Nagtataglay ang Junior Pirates ng thrice-to-beat edge sa finals.

Sa women’s division, magpapang-abot ang reig­ning titlist College of St. Benilde at San Beda College sa alas-2 ng hapon sa isang playoff upang madetermina ang No. 3 seed.

Parehong may 6-3 marka ang Lady Blazers at Red Spikers sa pagtatapos ng eliminasyon.

Umabante sa finals ang San Sebastian College na may imakuladang 9-0 kartada kalakip ang thrice-to-beat advantage habang pumangalawa ang Arellano University na may 8-1 na nagbigay sa kanila ng twice-to-beat sa stepladder semis.

Sa men’s division, pag­lalabanan naman ng reig­ning title holder Perpetual Help at St. Benilde ang No. 1 seed sa alas-12 ng tanghali upang madetermina ang makakalaban nito sa Final Four.

Ang mananalo ang siyang haharap sa No. 4 Arellano habang ang matatalo ang sasagupa sa No. 3 San Beda sa crossover semifinals. (CCo)Parehong may twice-to-beat incentive ang Altas at Blazers sa semis.

vuukle comment

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with