Korver tatawid sa Cavs

CLEVELAND - Pinipilit ng Cavaliers na mapanalisa ang isang trade na magdadala sa kanila kay sharp shooter Kyle Korver mula sa Atlanta Hawks.

Nangangailangan ang Cleveland ng isa pang outside shooting threat dahil sa katapusan pa ng regular season posibleng makabalik si J.R. Smith makaraang sumailalim sa surgery para ayusin ang kanyang broken thumb.

Ang 35-anyos na si Korver ay nagtatala ng 43 percent shooting sa long range sa kanyang career at ang 1,952 triples niya ang pang-walo sa league history.

Hindi naglaro si Korver sa pagharap ng Hawks sa New Orleans Pelicans noong Huwebes.

“There are a lot of heart ties to Atlanta for a lot of reasons,” wika ni Korver, naglaro ng limang seasons sa Atlanta matapos ang dalawang seasons sa Chicago.

“A lot of friendships, relationships. That’s where I had my best basketball... That’s where I had all my kids. So it’s hard to leave that behind,” dagdag pa niya.

Show comments