_ngayon
^

Ginebra, Meralco magbabasagan sa Game 5

(Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kung mananalasa ang bagyong ‘Karen’ ay maa­aring kanselahain ang mainit na bakbakan ng Barangay Ginebra at Meralco sa Game Five ng 2016 PBA Governor’s Cup Finals.

Ito ang inihayag ng PBA Commissioner’s Office kahapon.

“We are keeping track of Tropical Storm Karen. Sunday’s game can and will be cancelled in the event the storm intensifies. Please monitor our website and social media sites for news and updates.”

Naging bagyo ang best-of-seven championship series ng season-ending conference nang makatabla ang Gin Kings sa Bolts mula sa dramatikong 88-86 panalo sa Game Four noong Biyernes.

Nagbida sa fourth quarter ng naturang laro ang ‘Fast and the Furious’ tandem na sina Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa para ibangon ang Ginebra mula sa 103-107 kabiguan sa Game Three noong nakaraang Miyerkules.

“It was a storybook game,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone. “We were swinging in the wind, we didn’t know what we were doing, then Jay and Mark played with so much energy … and pretty much saved our series.”

Tumipa si Helterbrand, nagdiwang ng kanyang ika-40 kaarawan noong Biyernes, ng tatlong mahahalagang three-point shots, habang nagsalpak si Ca­guioa ng isang jumper sa final canto para sa pagbabalik ng Ginebra mula sa 16-point deficit sa third period.

Nakatakdang pag-agawan ng Gin Kings at Bolts ang krusyal na 3-2 bentahe sa kanilang paghaharap sa Game Five ngayong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mananalo ang hahakbang ng isang paa para sa inaasam na korona.

Hangad ng Ginebra ang kanilang unang titulo matapos magkampeon noong 2008 Fiesta Cup, habang target ng Meralco ang kauna-unahan nilang kampeonato.

Nauna nang kinuha ng Bolts ang Game One via overtime, 114-109 habang nakatabla ang Gin Kings sa Game Two, 82-79.

“The series has been very competitive so we expect another tough game with Ginebra,” ani one-time PBA Grand Slam champion mentor Norman Black.

PBA GAME 5
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with