Ubos na ang Pinoy sa China Open

MANILA, Philippines – Lagas ang lahat ng Pilipino sa main draw ng 2016 China Open World 9-Ball tournament na ginanap sa Pudong Tangzhen Culture and Sports Center sa Shanghai, China.

Talsik sa kontensiyon ang nalalabing pambato ng Pilipinas sa quarterfinals na si Jeffrey Ignacio nang matalo ito kay Taiwanese Cheng Yuhsuan sa pamamagitan ng makapigil-hini­ngang 10-11 desisyon.

Si Yuhsuan din ang tumalo kay Carlo Biado sa Round-of-16, 11-10, sa torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association.

Talo rin sa Round-of-16 si Jeffrey de Luna sa kamay ni Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei, 3-11.

Nauna nang yumuko sa Last 32 sina Johann Chua at Lee Van Corteza.

Hindi rin umabante sina Chezka Centeneo at Rubilen Amit nang yumuko ang mga ito sa Last 16 ng women’s division.

Show comments