Thunder masaklap ang pagkulapso sa playoff

OAKLAND, California - Dalawang gabi matapos humulagpos ang tsansang mapatalsik ang defending champion Golden State Warriors sa kanilang tahanan, uuwi ang Oklahoma City Thunder na luhaan.

“We wanted to win the whole thing,” sabi ni Kevin Durant. “There’s no moral victories in our locker room after the game. We were all upset. We wanted to get a chance to play for a championship in the finals, so that hurts.”

Imbes na hirangin bilang koponang nakapagpatalsik sa Warriors makaraan ang record-setting 73-win regular season ng huli, maaalala ang Thunder dahil sa kanilang pagkulapso sa playoffs.

“Unfortunately we didn’t come out on top,” wika ni Durant.  Sila ang pang-10 NBA team na natalo sa isang playoff series matapos iposte ang malaking 3-1 bentahe sa serye.

Ngayon ay wala pang nakakaalam kung ano ang magiging kinabukasan ng Thunder, habang si Durant ay magiging isang unrestricted free agent sa offseason.

Ang Thunder ang tanging prangkisa na kanyang nilaruan sa nine-year career niya.

Yumukod si Durant at ang Thunder kay LeBron James at sa Miami Heat noong 2012 NBA Finals.

Matapos ito ay nasibak sila sa second round ng sumunod na season, sa conference finals noong 2014 laban sa San Antonio Spurs at sa playoffs noong nakaraang taon dahil sa injury ni Durant.

Show comments