La Salle UAAP overall champion
MANILA, Philippines - Pormal nang nasungkit ng De La Salle University ang general championship sa UAAP Season 78.
Tatlong events pa ang kasalukuyang pinaglalabanan ngunit sapat na ang pagpasok ng Lady Spikers sa finals gayundin ang pagtuntong ng Lady Booters sa women’s football championship round at ang third-place finish ng Green Booters sa men’s football upang masiguro ang pangkalahatang kampeonato.
Kasalukuyang may 262 puntos ang UST para pansamantalang okupahan ang unang puwesto dahil tanging 18 puntos na lamang ang madaragdag sa kanilang koponan - walo sa men’s football, anim sa women’s football at apat sa women’s volleyball - para sa kabuuang 280 puntos.
Sa kabilang banda, ang La Salle ay may 247 puntos para sa ikalawang puwesto.
Subalit madadagdagan ito ng estimadong 34 puntos - 10 puntos sa men’s football at tig-12 puntos sa women’s football at women’s volleyball - para naman sa kabuuang 281 puntos.
Maaari pa itong umangat sa 287 sakaling magkampeon ang La Salle sa women’s volleyball at women’s football.
Nakakuha ng malaking puntos ang La Salle sa kampeonato nito sa women’s beach volley, women’s chess, men at women’s table tennis, at men’s baseball habang runner-up trophies din ito sa men’s swimming at men’s badminton at third-place awards sa women’s basketball, women’s swimming, men’s chess, women’s tennis, women’s badminton, women’s fecing, men at women’s taekwondo at men’s judo.
Nabawi ng La Salle ang overall title na huli nitong nahawakan noong Season 76 kung saan umani ito ng 289 puntos para ungusan ang UST na nakahugot lamang ng 274 puntos.
- Latest