Pacquiao nakadepende ang pagreretiro kung mananalong senador – Roach
MANILA, Philippines – “A lot depends on whether he becomes a senator or not.”
Ito ang tingin ng beteranong trainer na si Freddie Roach sa magiging buhay ni Manny Pacquiao matapos ang kaniyang laban sa Abril at ang eleksyon sa Mayo.
Sinabi ni Roach kay Michael Rosenthal ng RingTV.com na may tsansa pang sumalang sa gitna ng ring si Pacquiao sa kabila ng pahayag ng Filipino boxing icon na huling laban na niya ang bakbakan nila ni Timothy Bradley Jr.
“If he doesn’t win the senate race, what will he do? Does he go back to being a congressman? Being a congressman and a boxer is OK. Being a senator and boxer may be a little too much,” wika ni Roach.
Tumatakbong senador si Pacquiao sa ilalim ng tiket ni Bise Presidente Jejomar Binay at sa huling survey ay nasa ikawalong pwesto siya.
Isa sa mga nakikitang dahilan ni Roach upang hindi pa iwanan ni Pacquiao ang boksing ay kung manalo ang eight-division champion kay Bradley.
Kung manaig si Pacquiao ay hahawakan niya ang WBO welterweight title at kailangan niya itong depensahan kahit isa na siyang senador.
“I do know Manny well, though. He would love to be the senator who defended his title someday. I don’t think this [Bradley fight] is his last fight for some reason,” sabi ni Roach.
“I just don’t see it because he has a lot left in him. His work ethic is still great. I’d be disappointed if this was his last fight. I’ve been with him a long time, we had a great run. I’ll support whatever he does,” dagdag niya.
Ito na ang ikatlong pagkikita nina Pacquiao at Bradley kung saan nanalo sa unang salpukan ang American boxer ngunit nakabawi naman ang Filpino boxing icon sa ikalawa nilang paghaharap.
- Latest