^

PSN Palaro

Belo Smart Player of the Year

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangalanan si Mac Belo ng UAAP champion Far Eastern University bilang Smart Player of the Year sa UAAP-NCAA Press Corps Collegiate Basketball Awards kagabi sa Saisaki-Kamayan sa EDSA.

Nahablot ni Belo ang pinakamataas na pagkilala matapos tulungan ang Tamaraws na masungkit ang kanilang unang titulo sapul noong 2005 kasama pa ang pagkopo sa Finals Most Valuable Player award.

Pinangunahan din ni Belo ang Collegiate Mythical Five awardees kasama sina Kiefer Ravena ng Ateneo de Manila University, Allwell Oraeme ng Mapua Institute of Technology, Kevin Ferrer ng University of Santo Tomas at Scottie Thompson ng University of Perpetual Help System Dalta.

Pormal nang ibinigay kina Nash Racela ng FEU at Aldin Ayo ng Letran ang Coach of the Year awards.

Kasama rin sa kinilala ang beteranong mentor na si Aric del Rosario na binigyan ng Lifetime Achievement Award dahil sa kanyang kontribusyon sa University of Santo Tomas at University of Perpetual Help.

Dinala ni Del Rosario ang Growling Tigers sa apat na sunod na kam­peonato sa UAAP mula 1993 hanggang 1996 bago tulungan ang Altas na makapasok ng tatlong beses sa NCAA Final Four.

ALDIN AYO

ALLWELL ORAEME

ANG

BELO

COACH OF THE YEAR

COLLEGIATE MYTHICAL FIVE

DEL ROSARIO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

FINALS MOST VALUABLE PLAYER

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user