^

PSN Palaro

PLDT Home Ultera palalakasin ng 2 imports

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kumuha ng dalawang imports ang PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters para tulungan ang kampanya sa Shakeys V-League Season 12 Reinforced Conference.

Sina Sareea Freeman at Victoria Hurtt ay duma­ting noong Miyerkules ng gabi at agad na sumabak sa ensayo para makuha ang istilo ng laro ng koponan.

Ang bagong lakas ng PLDT ay makikita sa pag­harap nila laban sa talsik ng Kia Forte sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Lalabas ang koponang hawak ni coach Roger Gorayeb ang magiging kauna-unahang koponan na nasa semifinals na kumuha ng mga reinforcements para gumanda ang paghahabol ng pangalawang kam­peonato sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Si Freeman ay isang 6’4 middle blocker at naglaro sa Florida State mula 2009 hanggang 2012 habang ang 6’3  na si Hurtt ay isang outside spiker mula Iowa State.

Naglaro si Hurtt mula 2011 hanggang 2014 at kinilala bilang All-Big 12 First team noong 2012 at 2014.

Si Alyssa Valdez na siyang MVP sa Open Confe­rence na pinagharian ng PLDT ay inaasahang makaka­sama rin ng koponan sa semifinals para lalong tumibay ang malakas na puwersa ng koponan.

ACIRC

ANG

FLORIDA STATE

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST LADY HITTERS

HURTT

IOWA STATE

KIA FORTE

OPEN CONFE

REINFORCED CONFERENCE

ROGER GORAYEB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with