^

PSN Palaro

IEM, Sta. Elena agawan sa krusyal na panalo

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

3 p.m.  IEM vs Sta. Elena

5 p.m.  Cignal vs Navy

 

MANILA, Philippines – Nahaharap sa maha­lagang laro ang tatlong koponan na nasa huling tatlong puwesto sa team standings ng Spikers’ Turf Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang IEM Volley Masters at Sta. Elena Wre­cking Ball ang magtutuos sa unang bakbakan sa ganap na alas-3 ng hapon bago sundan ng Navy Sailors at Cignal HD Spi­kers dakong alas-5.

Ang Sailors, Sta. Elena at IEM ay may 1-2, 1-3 at 0-3 karta at kailangan nila ang manalo para gumanda pa ang tsansang umabante sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Magsisilbing knockout game ang bakbakan ng Volley Masters at Wre­cking Ball dahil ang mata­talo ay tuluyang mamamaalam na.

Sa kabilang banda, ang Navy ay nagnanais na makuha ang ikalawang panalo para maiusad ang isang paa patungo sa susunod na round.

Sa kasalukuyan ay dalawang koponan pa lamang, ang walang talong Air Force  Airmen (3-0) at Cignal (3-1) ang nakakuha na ng puwesto sa semis habang namumuro na ang PLDT Home Ultera Fast Hitters sa 2-2 baraha.

ACIRC

AIR FORCE

ANG

ANG SAILORS

CIGNAL

ELENA

ELENA WRE

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST HITTERS

SAN JUAN CITY

VOLLEY MASTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with