Beermen nilasing ang Batang Pier sa Davao

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Mahindravs Rain or Shine

5:15 p.m. Star vs Ginebra

MANILA, Philippines – Parang walang iniindang foot injury si June Mar Fajardo.

Humugot ang back-to-back PBA Most Valuable Player awardee ng pito sa kanyang 21 points sa fourth quarter, habang nagsalpak si Marcio Lassiter ng dalawang three-point shot para ihatid ang nagdedepensang San Miguel sa 97-86 panalo laban sa Globalport sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa University of  Southeastern Philippines gym sa Davao City.

Nagdagdag si Alex Ca­bagnot ng 19 points kasunod ang 11 ni Arwind Santos at tig-10 nina Lassiter at Gabby Espinas para sa 1-0 baraha ng Beermen.

Bilang nagtatanggol sa korona ay inasahan na ni coach Leo Austria na lahat ng koponan ay gusto silang talunin.

Mula sa 30-23 abante ng Batang Pier sa second period ay umarangkada ang Beermen para ilista ang 13-point lead, 47-34, sa huling 1:56 minuto nito.

Ipinoste ng San Miguel ang 88-74 kalamangan sa 4:54 minuto ng final canto hanggang makalapit ang Globalport sa 86-93 sa huling 40 segundo.

Samantala, sisimulan ng Barangay Ginebra at Mahindra ang kanilang kampanya sa pagsagupa sa Star at Rain or Shine.

Lalabanan ng Gin Kings ang Hotshots nga­yong alas-5:15 ng hapon matapos ang bakbakan ng Elasto Painters at Enforcers sa alas-3 sa Smart Araneta Coliseum.

San Miguel 97- Fajardo 21, Cabagnot 19, Santos 11, Lassiter 10, Espinas 10, Lutz 9, Reyes 4, Heruela 3, Arana 3, De Ocampo 3, Ross 2, Tubid 2.

Globalport 86 - Pringle 20, Jensen 16, Yeo 13, Kramer 10, Maierhofer 6, Romeo 5, Uyloan 5, Washington 5, Mamaril 4, Taha 2, Pena 0.

Quarterscores: 20-26; 49-37; 71-58; 97-86.

Show comments