^

PSN Palaro

Heroes’ welcome ibinigay sa Gilas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nila nakamit ang inaasam na tiket para sa 2016 Olympic Games, ngunit tumanggap pa rin ang Gilas Pilipinas ng isang heroes’ welcome sa kanilang pagdating sa NAIA Terminal 3 kahapon.

Isinigaw ng mga fans ang pangalan ng mga pla­yers na nag-uwi ng silver medal mula sa katatapos lang na 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China.

Ang pinakamalakas na pangalang isinigaw ay kay Jayson Castro.

“Castro for senator! Castro for senator! Castro for senator!” sigaw ng mga fans bilang sukli sa mahusay na ipinakita ni Castro sa FIBA Asia na nagresulta sa kanyang pagkakahirang sa Mythical Selection.

Ang Talk ‘N Text hotshot sana ang nakakuha sa tournament MVP kung ang Nationals ang nagkampeon.

Ang iba pang nakasama ni Castro sa Mythical Five ay sina MVP winner Yi Jianlian, Zhou Qi at Guo Ailun ng China at Iranian star Nikkhah Bahrami. Naging miyembro rin si Castro ng Mythical Team noong 2013 Manila joust.

Isinigaw din ang mga pangalan nina Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Sonny Thoss, Calvin Abueva, Asi Taulava, Terrence Romeo, Matt Ga­nuelas, Gabe Norwood, Dondon Hontiveros at JC Intal sa kanilang pagdaan sa arrival area.

“Amazing welcome. Thanks for the support and thanks for appreciating our effort,” sabi ni Abueva.

“We didn’t get what we wanted but I’m blessed to be part of Gilas,” wika naman ni Hontiveros.

Nauna nang umalis ng China sina coach Tab Baldwin at Andray Blatche.

Didiretso si Blatche sa United States para bisitahin ang kanyang may sakit na ina bago bumalik sa China para sa training camp ng kanyang koponan sa Chinese league.

Sumalang ang Natio- nals sa 16-hour journey matapos maantala ng 11 oras ang kanilang Cathay Pacific flight mula Hong Kong patungong Manila.

Umalis sila ng Changsha ng alas-7:15 ng gabi noong Linggo at nagpalipas ng oras sa sahig ng Hong Kong airport.

Tiniis naman nina assistant coach Norman Black at  Meralco executive Ryan Gregorio ang 12-hour trip buhat sa Changsha via Guangzhou.

Naantala ang kanilang China Southern flights mula sa Changsha patungo sa Guangzhou at Guangzhou papunta sa Manila.

 

ACIRC

ANDRAY BLATCHE

ANG

ANG TALK

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONSHIP

CALVIN ABUEVA

CASTRO

CHANGSHA

GUANGZHOU

HONG KONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with