Pacquiao-Khan fight mas exciting
RCadayona (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Kung hindi man ma­ku­ha ni British star Amir Khan ang sagot ni Floyd May­weather, Jr. ay mala­ki naman ang tsansang ma­kasagupa niya si Manny Pac­quiao sa susunod na ta­on.

Isa na si dating world light welterweight at welterweight titlist Ricky Hatton sa mga umaasang mapaplantsa ito.

“It’s a good fight Amir Khan vs Manny Pacquiao – a chess match,” sabi ni Hat­ton sa panayam ng World Boxing News. “I think they would both try and use their speed and movement to win it."

Ang 36-anyos na si Pac­quiao at ang 28-an­yos na si Khan ay dating mag­kasama sa training sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach.

Ilang beses na ring nagsanay sa Pilipinas ang Bri­ton kasabay ni Pacquiao.

“It’s good that Amir wants to fight the best and I believe that Pacquiao is still one of the best,” wika ni Hatton, pinatulog ni Pacquiao sa second round no­ong 2009.

Huling lumaban si Hatton noong 2012 kung saan si­ya pinabagsak ni Vya­cheslav Senchenko sa ninth round kasunod ang kan­yang pagreretiro.

Isa si Khan sa mga na­sa listahan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para itapat sa Filipino world eight-division champion bukod pa kay WBO light wel­terweight king Terrence Crawford.

Natalo si Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr. no­ong Mayo 2.

ACIRC AMIR KHAN BOB ARUM FLOYD MAY FLOYD MAYWEATHER FREDDIE ROACH HATTON ISA MANNY PAC PACQUIAO SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with