NLEX sa quarters Ramos ‘di nakaporma kay Taulava

Pinanood na lang nina Asi Taulava at Harold Arboleda ng NLEX si Mark Yee ng Kia. Jun Mendoza

Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Blackwater vs Rain or Shine

7 p.m. Meralco vs Purefoods

MANILA, Philippines – Napanatili ng Road Warriors ang kanilang winning streak para makapasok sa eight-team quarterfinal round.

Dumiretso ang NLEX sa kanilang pang-limang sunod na arangkada matapos bumangon mula sa 11-point deficit sa third period para balikan ang Kia, 102-86, sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bagama’t wala nang tsansa para sa No. 1 at No. 2 berth na magbibigay sa kanila ng ‘twice-to-beat’ incentive, nakaiwas naman ang Road Warriors na malagay sa No. 7 at No. 8 spot sa quarterfinals.

Nauna nang tinalo ng NLEX ang San Miguel, Meralco, Barangay Ginebra at Globalport para makabawi mula sa 1-4 panimula sa torneo.

Pinabantayan ni Fernandez kay 6-foot-9 Asi Taulava si 7’4 Carnival import PJ Ramos at hinayaang kumamada si reinforcement  Al Thornton sa second half  matapos malimita sa 8 points sa first half.

“I told Asi to take care of (PJ) Ramos and Thornton will take care of the scoring. It worked,” sabi ni coach Boyet Fernandez na nakahugot ng 33 points kay Thornton.

Matapos ilista ang 38-27 abante sa second quarter at 49-38 bentahe sa third period ay naiwanan ang Kia, nanggaling sa 15-day layoff matapos talunin ang Alaska bago ang All-Star break, sa 73-80 sa 8:25 minuto ng final canto.

Huling naghamon ang Carnival sa 79-83 buhat sa free throw ni Ramos sa hu­ling limang minuto ng laro kasunod ang 12-3 atake nina Thornton at Jonas Villanueva para ilayong muli ang Road Warriors sa 95-82 sa huling 2:11 minuto.

Nagdagdag si Villa­nueva ng 20 points, 5 assists at 4 steals para sa NLEX.

Humakot naman si Ramos ng 41 points sa panig ng Kia.

NLEX 102 -- Thornton 33, J. Villanueva 20, Cardona 16, Lingganay 12, Taulava 10, R. Villanueva 4, Borboran 4, Canaleta 3, Raymundo 0, Camson 0, Ramos 0.

Kia 86 -- Ramos 41, Cervantes 8, Buensuceso 7, Cawaling 6, Revilla 6, Avenido 6, Dehesa 5, Poligrates 3, Thiele 2, Yee 2, Alvarez 0.

Quarterscores: 16-22; 36-45; 69-72; 102-86.

Show comments