Albo pangarap makapaglaro sa Olympic Games

MANILA, Philippines – Pinapangarap ni Jewel Angelo Albo na maging su­sunod na Filipino badminton player na nakapag­laro sa Olympic Games matapos si 1996 Olympian Weena Lim.

Hinuhulaang sisikat sa badminton, nais ng 11-an­yos na si Albo na maging mi­yembro ng Philippine Bad­minton Association Smash Pilipinas national team at lumaban para sa gold medal sa mga international tournaments kagaya ng Olympics.

Si Albo, inangkin ang mga titulo ng boys’ Under-13 at Under-15 singles sa 2014 Palarong Pambansa, sa Sun Cellular Na­tional Juniors Championship, Toby’s tourney at sa Batang Pinoy, ay ka­salukuyang sinasanay ng kanyang amang si da­ting national player Wilfredo Albo na head coach ng team JB sa Taytay, Rizal.

“I always train hard and follow all the directives of my father because I real­ly wanted to be a national pla­yer. Everybody likes to be a national player and re­present the country especially in the Olympics,” sabi ng Antipolo Immaculate Conception student na si Al­bo.

“It will be a daunting task to any athlete, but I will give it a try,” dagdag pa ni Albo na gumagamit ng X-Act Babolat racquet. “So, I hope someday , I’ll make it in to the Olympics. I will do my best to make it happen.”

Sinusuportahan ng Ba­bolat, ang pinakaepektibong badminton racquet at equipment provider sa mundo, ang kampanya ni Albo sa mga local at inter­na­tional tournaments.

“We believe that Albo is the future of Philippine bad­minton and Babolat is here to support him,” wika naman ni Guilly Nocom ng Babolat.

Show comments