Tautuaa malabong makalaro sa Gilas team
QHenson (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pananatilihin ng FIBA ang patakaran na ang isang foreign-born player ay dapat makakuha ng passport ng bansang kanyang kakatawanin bago maging 16-anyos para ma­ging legal na local player na may blood lineage.

Hindi naman ito ma­gagamit sa isang player na naging isang naturalized citizen, habang ang isang national team ay maaari lamang kumuha ng isa.

Dahil sa FIBA rule, hindi na makakalaro si Fil-To­ngan Moala Tautuaa para sa Gilas Pilipinas maliban na lamang kung siya ay magiging naturalized player.

Ang ina ni Tautuaa na si Romanita ay isang Filipina mula sa Cabanatuan.

Kamakailan lamang naka­kuha ang 25-anyos na si Tautuaa ng kanyang Philippine passport.

Dapat nakuha niya ang passport bago siya ma­ging 16-anyos para maging eligi­ble na maglaro sa Gilas.

Kasalukuyang nagla­laro si Tautuaa sa PBA D-League.

Nadiskubre siya sa US ni Filipino coach Ariel Vanguardia na kinuha siyang import para sa Westports Malaysia Dragons sa ABL.

Kinumpirma ni Vanguar­dia na hindi nakakuha si Tautuaa ng Philippine pass­port bago siya naging 16-anyos.

Ito ang parehong pa­ta­­karan na nagdidisku­walipika kay Fil-Am Jordan Clarkson ng Los Angeles Lakers na maging player ng Gilas.

Sa isang imbestigasyon naman ng FIBA sa 2011 FIBA Asia Championships sa Wuhan, China, lima sa Qatar’s players ay idineklarang ineligible bago magsimula ang torneo.

Ang mga ito ay sina Ta­nguy  Ngombo, Ousseynou N’Diaye, Mansour Ed Hadary, Hassan Mohamed at Mame Ndour.

Nabigo silang patuna­yan ang kanilang Qatar heritage para payagang makalaro sa national team.

Kailangan muna silang maging naturalized citizens para mapabilang sa lineup.

Nakapaglaro ang Qatar sa Wuhan na wala ang naturang limang players at natalo sa Uzbekistan, 27-12, at sa Iran, 40-4, sa pamamagitan ng default sa first period.

Idineklara ng FIBA na ang isang foreign-born player na nabibilang sa dalawang bansa ay dapat kumuha ng passport ng bansang plano niyang katawanin bago tumtuntong sa edad na 16-anyos.

“This practice of transforming foreigners into locals for a national team has been stopped by FIBA,” ani SBP senior advisor Moying Martelino na nagsilbing Asian Basketball Confe­deration (ngayon ay FIBA Asia) secretary-general sa loob ng siyam na taon at naging FIBA Central Board member.

ARIEL VANGUARDIA ASIA CHAMPIONSHIPS ASIAN BASKETBALL CONFE CENTRAL BOARD FIBA FIL-AM JORDAN CLARKSON GILAS PILIPINAS SHY TAUTUAA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with