^

PSN Palaro

Lady Archers nakabalik sa pamatay na porma

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naibalik agad ng La Salle Lady Archers ang kinang ng paglalaro sa ikatlong set para makabangon mula sa paglasap ng unang pagkatalo sa bisa ng 25-17, 27-29, 25-14, 25-9 panalo sa FEU Lady Tamaraws sa pagbubukas ng second round ng 77th UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May 16 kills tungo sa 17 puntos si Victorana Galang para sa Lady Archers na ginamit ang depensa para limitahan ang mga kamador ng Lady Tamaraws sa huling dalawang sets at iposte ang 7-1 karta.

Nagmula ang La Salle sa five-set loss sa karibal na Ateneo Lady Eagles sa pagtatapos ng first round.

May 13 hits si Cydthealee Demecillo at siyam na digs, at tig-10 ang ibinigay nina Mika Reyes at Kim Fajardo.

Tanging si Bernadette Pons ang nasa double-digits para sa Lady Tamaraws, may 3-4 baraha, sa kanyang 13 hits.

Bago ito ay tinalo ng UP Lady Maroons ang UE Lady Warriors, 25-17, 25-13, 25-21, para upuan ang ikaapat na pu­westo sa pantay na 4-4 karta.

Hindi nakasama ng UP si Katherine Ber­sola na may ACL injury pero na­roroon si Nicole Anne Tiamzon na may 12 puntos para sa panalo ng Lady Maroons. (ATan)

vuukle comment

ATENEO LADY EAGLES

BERNADETTE PONS

CYDTHEALEE DEMECILLO

KATHERINE BER

KIM FAJARDO

LA SALLE

LADY

LADY MAROONS

LADY TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with